Tuesday, January 03, 2006

Kaya mo ba 'to?


Andaming tao sa NAIA nung Jan. 1. Andaming paalis na ng Pinas. As usual, mahaba ang pila, tambak ang mga bagahe, puno ang parking area, at nagkalat ang mga bata.

Nakapila kami sa may departure area para magtsek in na. Sa unahan namin ay meron isang ina, kasama ang dalawang anak nya at sandamakmak na bagahe. Yung bunso nya, siguro 2 years old pa lang, ay tahimik lang na nakaupo sa ibabaw ng mga maletang nakalagay sa pushcart. Ang nakatawag-pansin sa akin ay ang walang patid ang iyak na batang lalaki, siguro 4 o 5 years old. Hindi sya mapatahan ng kanyang ina. Nagpupumiglas nung kargahin sya. Malapit ng mapuno ang ina, ibinaba sya sa isang tabi, at daglian naman syang tumakbo papalayo, at parang humahabol sa isang taong mahal nya, na ayaw nyang iwan sa Pinas. Sa tingin ko ay sa Japan din ang punta ng mag-ina kase nagsasalita sila ng Nihonggo. May tinatawg ang bata na Tata (kung tama ang pandinig ko ha), ito siguro yung taong ayaw nyang mapawalay sa kanya, kaya't nag-iiyak ng todo. Nangingilid na ang aking mga luha sa awa ko sa bata. Ako din ay nalulungkot sa pag-alis naming ito, ngunit kelangang tibayan ang loob dahil kinakailangang gawin namin ito. Pero mas lalo akong naawa sa bata nung habulin sya ng kanyang ina, at nung inabutan ay sabay sampal sa nakakaawang pisngi ng bata. Aray ko! Parang gusto ko ding sampalin ang ina nito.

Kaya nyo bang gawin yun sa inyong anak? Ako, hindi. Ganu man ang aking lungkot, pagod, hirap at inis na nararamdaman, hinding-hindi ko magagawa yun. Hinding-hindi ko gagawin yun.

Patuloy sa pag-iyak ang bata hanggang sa makapasok sila sa loob. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos nun dahil di ko na sila nakita pa sa loob.

http://www.websmileys.com/

0 Comments:

Post a Comment

<< Home